Tuesday, July 14, 2015

chapter 13

13.1 At si Enoch ay pumunta at sabi kay Azazel: “Ikaw ay hindi magkakaroon ng kapayapaan. Malubhang kahatulan ang lumabas laban sayo na ikaw ay dapat igapos.

13.2 At ikaw ay hindi makakaroon ng kapahingahan o awa, ni hindi rin pagbibigay ang anumang mga kahilingan, dahil sa mga kasamaan na kung saan ikaw ang nagturo, at dahil sa lahat ng mga ginawa na kalapastanganan sa Diyos at mali at kasalanan kung saan iyong ipinakita sa mga anak ng tao.”

13.3 At pagkatapos Ako’y pumunta at nagsalita sa kanilang lahat na magkakasama, at silang lahat ay natakot— takot at panginginig lumupig sa kanila.

13.4 At sila’y nakiusap sa akin na isulat para sa kanila ng talaan mga kahilingan, nang sa gayon sila’y maaring makatanggap ng kapatawaran, at dalhin ang talaan ng kanilang mga kahilingan sa itaas sa Panginoon ng Langit.

13.5 Sapagkat sila’y hindi na maari pa, mula noon, magsalita, at hindi na nila pwedeng itingin sa itaas ang kanilang mga mata sa Langit, sa kahihiyan sa mga kasalanan, kung saan sila ay nahatulan.

13.6 At pagkatapos ay isinulat ko ang talaan ng kanilang mga kahilingan, at ang kanilang pagsamo kaugnay sa kanilang mga ispirito, at ang mga nagawa ng bawat isa sa kanila. At sa pagsasaalang-alang sa kung ano ang kanilang kahilingan; na sila ay makakuha ng kapatawaraan at pagtitiis.

13.7 At ako nagpunta at naupo sa tabi ng tubig ng Dan, sa Dan, kung saan ito ay nasa timog-kanluran ng Hermon; at binasa ko ang talaan ng kanilang mga kahilingan, hanngang ako’y makatulog.

13.8 At narito ang isang panaginip na dumating sa akin, at mga pangitain ay dumating sa akin, at nakita ko ang isang pangitain ng pootna ang dapat kong makipag-usap sa mga anak ng Langit at pagwikaan ang mga ito.

13.9 At ako ay gumising at pinuntahan sila, at sila,y nakaupo’t nagtitipon-tipon magkakasama sa kanilang pagluluksa, sa Ubelseyael, kung saan ito ay sa pagitan ng Lebanon at Senir, na ang kannilang mga mukha ay nakatakip.

13.10 At ako’y nagsalita sa harap nilang lahat; ang mga pangitain na sa akin ay ipinakita sa aking pagtulog, at sinimulan kong magsalita nitong mga salitang nagwiwika sa mga Tagamasid ng Langit.

No comments:

Post a Comment