9.1 At sina Michael, Gariel, Suriel at Uriel, dumungaw
mula sa Langit at kanilang nakita ang madaming dugo na dumadaloy sa lupa at
lahat ng labis na kawalang katarungan na noon ay nagawa sa lupa.
9.2 At ang sabi nila sa isa’t isa: “Hayaan ang nawasak na
Mundo sumigaw na may tunog ng kanilang mga iyak, hanggang sa Tarangkahan ng
Langit.
9.3 At ngayon saiyo, Oh Banal ng Langit, ang mga kaluluwa
ng tao ay nagreklamo, sinabing: “Dalhin ang aming layunin sa Kataas-taasan.”
9.4 At sila’y nagsalita sa kanilang Panginoon, ang Hari:
“Panginoon ng mga panginoon, Diyos ng mga diyos, Hari ng mga hari! Ang Iyong kaluwalhatian
sa trono sa pagtitiis para sa lahat ng mga henerasyon ng sangkatauhan, at
pinagpala at pinur!
9.5 Ikaw ang siyang lumikha ng lahat, at kapangyarihang nangingibabaw
sa lahat ng bagay ay nasa Iyo, at lahat ng bagay ay walang takip, at bukas, sa
harapan Mo, at nakikita mo ang lahat ng bagay, at walang anuman ang maitatago
sa Iyo.
9.6 Pagmasdan matapos ang ginawa ni Azazel; kung papaano
niya itinuro ang lahat ng kawalang-katarungan sa daigdig, at nagsiwalat sa
walang hanggang mga lihim na gawa sa Langit.
9.7 At
si Semyaza ang may gawa ng kilala na mga sumpa, ikaw itong sa kanya’y nagbigay
ng otoridad para pamunuan kung sino ang nasa panig niya.
9.8 At
sila’y pumunta sa mga anak na babae ng mga tao na magkakasama, sumiping doon sa
mga babae, naging marumi, at inilantad sila sa ganitong mga kasalanan.
9.9 At ang babae ay nagsilang ng mga higante, dahil
doon ang buong Mundo ay napuno ng dugo at kawalan ng katarungan.
9.10 At ngayon pagmasdan ang mga kaluluwa ng mga namatay
umiiyak at sumumbong hanggang sa Tarangkahan ng Langit, at ang kanilang
pananaghoy ay umakyat, hindi sila maaring lumabas sa harap ng mga walang
katarungan na kung saan nagka-sala sa lupa.
9.11 At Ikaw na may alam ng lahat, bago ito
maganap, at Ikaw alam mo ito, at anu ang tungkulin ng bawat isa sa kanila.
Ngunit Ikaw ay walang anumang sinabi sa amin. Anu ang nararapat naming gawin sa
kanila, ukol dito?”
No comments:
Post a Comment