15:1 At Siya ay sumagot sa akin, at
nagsabi sa akin na may Kanyang tinig: "Pakinggan! Huwag kang matakot,
Enoch, ikaw ay matuwid na tao, at tagasulat ng katuwiran. Halika dito at
pakinggan ang aking tinig.
15:2 At humayo at sabihin
sa mga Tagamasid ng Langit, na nagpadala sa iyo na mga kahilingan sa kanilang
ngalan: Kayo dapat ang magpetisyon sa ngalan ng mga tao, hindi ang mga tao sa
ngalan nyo.
15:3 Bakit nyo iniwan ang
Mataas, Banal at walang-hanggang Langit? At sumiping sa mga babae, at naging
marumi sa piling ng mga babaeng anak ng tao, at kumuha ng mga asawa para
sainyong mga saliri, at gumawa kagaya ng mga anak sa lupa, at naganak ng mga
higante.
15:4 At ang inyong
ispirtwal, Banal, nabubuhay sa kawalang-hanggang buhay, subalit kayo ay naging
marumi dahil sa mga babae, at nagsilang ng mga anak sa pamamagitan ng dugo at
laman, at nagnasa sa mga dugo ng tao, at lumikha ng dugo at laman, gaya ng
kanilang ginagawa, silang namamatay at nawawasak.
15:5 At para sa ganitong
kadahilanan kaya binigyan Ko ang tao ng mga asawa, nang sa gayon sila ay
maaaring makapaghasik ng kanilang binhing mula sa kanila. At para ang kanilang
mga anak ay maaaring mabuhay sa kanila. Para ang mga gawa ang maaring magawa sa
mundo,
15:6 Subalit kayo, dating,
mga ispiritwal, nabubuhay sa walang-hanggan, walang-kamatayang buhay, para sa
lahat ng mga henerasyong ng daigdig.
15:7 Para sa ganitong
kadahilanan Ako ay hindi nag-ayos ng inyong mga mapapangasawa. Dahil ang
tahanan ng mga ispirito ay nasa Langit.
15:8 At ngayon, ang mga
higante na isinilang sa katawan at laman ay tatawaging Masasamang mga ispirito
sa lupa, at ang lupa ay ang kanilang tahanan.
15:9 At ang masasamang mga
ispirito lalabas sa kanilang laman, dahil mula sa itaas ang may likha, mula sa
mga Banal na mga Tagamasid ang kanilang pinangalingan at unang pondasyon.
Masasamang ng Ispirito silang nasa ibabaw ng lupa ‘Ispirito ng mga Kasamaan’
kanilang katawagan.
15:10 At ang tahanan ng mga
ispirito sa Langit ay sa Langit, ngunit ang tahanan ang tahanan ng mga ispirito
sa lupa, silang isinilang sa ibabaw ng lupa, ay sa lupa.
15:11 At ang mga ispirito ng mga higante
gumawa ng mali, ng kasamaan, umatake, lumaban, bumiyak sa lupa, at nagdulot ng
lungkot. At sila ay hindi kumain ng pagkain, hindi nauuhaw, at hindi nagmasid.
15:12 At itong mga ispirito ay magaalsa
laban sa mga anak ng tao, at laban sa mga babae, dahil sila ay lumabasa mula sa
kanila sa panahon ng mga araw ng pagpatay at pagwasak.
No comments:
Post a Comment