14.1 Ang aklat na ito ay ang salita ng katarungan, at ng
pagwiwika, para sa mga Tagamasid na mula sa Walang-hanggan; na ang Banal at
Dakilang Isa ay nag-utos sa pangitain.
14.2 Aking
nakita sa aking pagtulog kung anong aking ngayo’y sabihin, gamit ang dila na
laman, sa pamamagitan nitong akong hininga, kung saan ang Dakilang Isa ay ang
nagbigay sa tao ng bibig, sa gayon sila’y maaaring makapagsalita gamit ito, at
maunawaan ng may puso.
14.3 Sapagka’t Siya ang may likha, at itinalaga, ang
tao ay upang maunawaan ang salita ng kaalaman, kaya Kanyang nilikha at
itinalaga ako para pagwikaan ang mga Tagamasid, ang mga anak ng Langit.
14.4 At ako’y sumulat ng inyong mga kahilingan, subalit sa
aking pangitain, ito ang lumitaw, na ang inyong kahilingan ay hindi ipagkakaloob
sa inyo, para sa lahat ng mga araw ng kawalang-hanggan; at tapos na ang kahatulan na ipinasya laban sa inyo, at kayo’y hindi magkakaroon ng kapayapaan.
14.5 At mula ngayon, kayo’y hindi na makakaakyat sa Langit,
magpasawalang-hanggan, at ito ang ipinataw na kayo ay igagapos sa Mundo para sa
lahat ng mga araw ng kawalang-hanggan.
14.6 At
bago ang mga ito, makikita ninyo ang pagkawasak ng inyong minamahal na mga anak,
at hindi kayo masisiyahan sa mga ito, at sila’y babagsak bago pa man kayo sa
pamamagitan ng espada.
14.7 At ang inyong mga kahilingan ay hindi
pagbibigyan o paggalang sa mga ito, o sa paggalang sainyong mga sarili. At
habang kayo ay tumatangis at magsumamo hindi kayo mamaaring magsasalita ng
kahit isang salita mula sa mga sulatin na aking isinulat.
14.8 At ang mga pangitain ay nagpakita sa akin, tulad ng
mga sumusunod: — Pagmasdan; mga ulap tumatawag sa aking pangitain, at ambon
tumawag sa akin. Sa landas ng mga bituin, at mga kislap ng kidlat, ang nagpamadili
sa akin at napaalis akin. At sa pangitain ang hangin ang nagdulot kaya ako lumipad,
at nagmadali ako, at itinaas ako sa kalangitan.
14.9 At nagpatuloy ako hanggang sa dumating ako malapit sa
isang pader na kung saan ay gawa sa yelo (granizo), at dila ng apoy na
nakapalibot dito, at nagsimulang sumapit sa akin ang takot.
14.10 At nagpunta ako sa dila ng apoy at lumapit sa malaking
bahay, kung saan ay binuo ng yelo, at ang pader ng bahay ay tulad ng isang mosaiko ng yelo at ang sahig ay gawa sa nieyebe.
14.11 Ang kisame ay tulad sa landas ng mga bituin at ang mga
kidlat, at kabilang dito ang nag-aapoy na kerubin, at ang kanilang langit ay kasing
linaw ng tubig.
14.12 At mayroong mga apoy na nagliliyab sa bawat pader at
ang bawat pinto ay may naglalagablab na apoy.
14.13 At ako’y pumunta sa bahay na iyon, at ito’y kasing
init ng apoy at kasing lamig ng niyebe, at walang kasiyahan o buhay sa loob
nito. Tinakpan ako ng takot at panginginig ang kumuhang pigilan ako.
14.14 At nang ako’y umuga at nanginig, ako ay napasubasob.
14.15 At nakita ko sa pangitain, at pagmasdan, isa pang
bahay kung saan ay mas malaki pa kaysa nauna at ang pinto ay bumukas sa harapan
ko, at ito ay binuo ng isang dila ng apoy.
14.16 At
sa lahat ng bagay, ito kaya ang nanguna sa kaluwalhatian at karilagan at laki,
kaya naman ay di ko maisalarawan ang sa inyo ang kaluwalhatian at ang laki
nito.
14.17 Ang sahig nito ay apoy, at sa taas ng kidlat at ang landas
ng mga bituin, at ang bubong rin nito ay nagniningas na apoy.
14.18 At ako ay tumingin, at nakita ko sa mga ito, ang isang
mataas na trono, at ang hitsura nito ay parang yelo (Kristal), at ang
pumapalibot dito ay tulad ng mga nagniningning Araw at ang tunog ng mga
kerubin.
14.19 At mula sa ilalim ng mataas na luklukan doon dumaloy
ng mga ilog ng apoy upang dito ay imposible tingnan ito.
14.20 At Siya na Dakila sa kaluwalhatian nakaupo sa ibabaw
nito, at ang kanyang damit ay maliwanag kaysa sa Araw, at maputi kaysa sa
anumang niyebe.
14.21 At walang Angel ang maaaring pumasok, at ang anyo ng
mukha Niya na pinarangalan at Pinupuri, walang nilalang na mula sa laman ang
maaaring tumingin.
14.22 Isang dagat ng apoy na nasunog sa paligid Niya, at
malaking apoy ang nakatayo sa harapan niya, at wala sa mga nakapaligid sa kanya
ay maaari na lumapit sa Kanya. Sampung libong beses sampung libong nakatayo sa
harap niya subalit kailangan niyang walang Banal na Lupon.
14.23 At ang mga Banal na iyan na nasa malapit sa Kanya ay
hindi umalis sa gabi o araw at hindi umalis mula sa Kanya. At hanggang
pagkatapos ay nagtakip ng aking mukha, at ako ay nanginig.
14.24 At ang Panginoon ay tumawag sa akin gamit ang kanyang
sariling bibig, at sinabi sa akin: “Halika dito, Enoch, sa aking Banal na
Salita.”
14.25 At itinaas niya ako at dinala ako malapit sa pinto. At
ako ay tumingin nang nakayuko.