Sunday, July 12, 2015

cahapter 10

10.1 At pakatapos ang Kataas-taasan, ang Dakila at Banal na Isa, nagsalita at sinugo si Arsayalalyur  sa anak ni Lamech, at ang sabi sa kanya: 

10.2 “Sabihin mo sa kanya sa Ngalan Ko; Itago ang yong sarili! At ibunyag mo sa kanya ang katapusan, na siyang paparating, dahil ang buong mundo ay magugunaw, Isang malaking baha ang paparating sa buong Mundo, at lahat ng nandoon ay mawawasak.

10.3 At ngayon turuan mo siya para siya ay makatakas at ang kanyang mga supling ay matirang buhay sa buong mundo.

10.4 At karagdagan ng Panginoon sinabi niya kay Raphael: “Talian si Azazel sa kanyang mga kamay at ang kanyang mga paa at itapon siya sa kadiliman. At hatiing mabuksan ang desyerto, kung saan ito sa Dudael, at itapon siya doon.

10.5 At ihagis sa kanya ang tulis-tulis at matatalas na mga bato at takpan siya ng kadiliman. At hayaan siyang manatili roon magpakailanman. At takpan ang kanyang mukha para hindi na siya makakita ng liwanag.

10.6 At nang sa gayon, sa Dakilang Araw ng Paghuhukom, siya ay maaaring ihagis sa apoy.

10.7 At mapanumbalik sa dating kalagayan ang Daigdig kung saan ang mga Anghel ang nagwasak. At ipabatid ang muling panunumbalik sa dati ng Daigdig. Sapagkat Ako ay ang magpapanumbalik sa dati sa Daigdig para hindi lahat ng mga anak ng tao ay mawasak dahil sa mga kaalaman na ang Tagamasid ang nagpa-alam at nagturo sa kanilang mga anak.

10.8 At ang buong mundo ay nawasak dahil sa mga katuruang gawa ni Azazel; at laban sa kanya’y nakasulat: LAHAT KASALANAN.”

10.9 At ang Panginoon ay nagsalita kay Gabriel: “Patuloy na labanan ang mga anak sa labas, at ang mga itinakwil at laban sa mga anak ng nakikiapid. At wasakin ang mga anak ng nakikiapid, at ang mga anak ng Tagamasid, na napabilang sa mga tao. At ipadala sila sa labas, at hayaan silang wasakin ang isa’t isa sa labanan; para ang haba ng mga araw nila ay mawala.

10.10 At sila’y hihiling sayo, subalit ang mga humiling ay makakatangap ng walang tulong ng mga ito (tulong mula sa kanilang mga Ama). para sa kanilang pag-asa para sa buhay na walang hanggan, at nang ang bawat isa sa kanila ay manatiling buhay hanggang sa limang daang taon.”

10.11 At ang Panginoon ay nagsabi kay Michael: “Humayo, ipagbigay-alam mo kay Semyaza, at sa iba pang kasama niya, sinuman ang may kaugnayan sa babae para dungisan ang kanilang sarili sa kanila ang lahat ng kanilang mga karumihan.

10.12 Kapag lahat ng kanilang mga anak ay pinatay ang isa’t isa, at kapag kanilang nakita ang pagkawasak ng kanilang mga mahal, itali sila para sa pitumpu na henerasyon, sa ilalim ng mga burol ng lupa. Hanggang sa araw ng kanilang kahatulan at ang kanilang pagganap, hanggang sa paghahatol, na kung saan ay para sa lahat ng kawalang-hanggan, ay matupad.

10.13 At sa mga araw na iyon, sila'y mamumuno sa kanila sa kailaliman ng apoy; sa pagdurusa, at sa bilanguan sila ay makukulong para sa lahat ng kawalang-hanggan.

10.14 At pagkatapos si Semyaza ay nasunog, at mula noon ay nawasak kasama sila; magkakasama sila na nakatali hanggang sa katapusan ng lahat ng mga henerasyon.

10.15 At sirain ang lahat ng mga kaluluwa ng kasakiman, at ang mga anak ng mga Tagamasid, dahil sila ay nagkasala sa sangkatauhan.

10.16 Wasakin ang lahat ng mali mula sa mukha ng daigdig at ang lahat ng masamang gawain ay itigil.

10.17At ngayon ang lahat ng mga matututwid ay magpapakumbaba, at mabubuhay hanggang sila ay mag-anak ng libo.

10.18 At ang lahat ng mga araw ng kanilang kabataan, at ang kanilang mga Sabado (Sabbaths), sila ay matatapos sa kapayapaan. At sa mga araw ang buong mundo ay mabubungkal sa kabutihan at lahat ng mga ito ay nakatanim sa mga puno; at ito ay mapupuno ng grasya.

10.19 At lahat ng mga kaaya-ayang puno kanilang itatanim dito at sila ay magtatanim sa mga ito ng mga baging. At ang mga baging na itinanim dito ay lilikha ng mga bunga na sagana; at ang bawat buto na iyon ay ibabaon dito, bawat sukat ay lilikha ng libo, at bawat sukat ng oliba ay lilikha ng sampung pampaligong langis.

10.20 At kayo’y linisin ang Mundo mula sa lahat ng mali, at mula sa lahat ng kawalan ng katarungan, at mula sa lahat ng kasalanan, at mula sa mga walang galang sa Diyos, at mula sa lahat ng mururumi na kung saan ay dinala sa sa Mundo.

10.21 At lahat ng mga anak ng tao ay magiging matutuwid, at ang lahat ng mga bansa ay paglilingkuran at papalain Ako at lahat ay sasambahin Ako.

10.22 At ang Mundo ay magiging malinis mula sa lahat kasamaan, at mula sa lahat ng kasalanan, at mula sa lahat ng poot, at mula sa lahat ng pagdurusa; at Ako ay hindi na muling magpapadala ng baha sa ibabaw nito. Sa lahat ng mga henerasyon, magpakailanman.

1 comment:

  1. nagbabasa po ako sa blog na ito.. sana po ay masundan na ito ng mga chapters dahil interesado ako na magbasa ng aklat na ito.. God bless and more power sa bloggers nito

    ReplyDelete