Sunday, July 5, 2015

chapter 1

1.1 Ito ay ang mga salita ng pagapapala kay Enoch; sapagkat siya’y pinagpala ang hinirang at matuwid na itinalangang mabuhay hanggang sa araw ng pighati, kung saan ang mga tampalasan at mga walang galang sa Diyos ay tatangalin.

1.2 At si Enoch nagsimula ng kanyang kwento at sinabi; Nagkaroon ng isang matuwid na tao, ang kanyang mga mata ay binuksan sa pamamgitan ng Panginoong Diyos, at kanyang nakita ang Banal na pangitain ng Kalangitan. At nagpakita sakin ang mga Anghel, At narinig Ko ang lahat sa kanila, At naintindihan Ko ang lahat ng aking nakita. Subalit hindi sa henerasyong ito, kundi sa malayong henerasyong darating.

1.3 Patungkol sa Napili— Ako ay nagsalita, at binigkas Ko ang parabulang patungkol sa kanila. Ang Banal at Dakilang Isa ay lumabas sa kanyang tahanan,

1.4 At ang Walang Hanggang Diyos ay yayapak sa lupa, sa bundok ng Sinai, At magpapakita sa kanyang Tahanan. At lilitaw na may lakas ng Kanyang kapangyarihan mula sa Langit.

1.5 At ang lahat ay natatakot. At ang mga Tagamasid ay mayayanig, At matinding takot at panginginig ang lulupig sa kanila hanggang sa hangganan ng daigdig.

1.6 At ang matataas na bundok ay yayanigin, At ang matataas na burol ay mapapatag, At matutunaw gaya ng kandila sa apoy.

1.7 At ang lupa ay lulubog, At ang lahat ng bagay sa lupang iyon ay maglalaho, At magkakaroon ng paghuhukom sa lahat.

1.8 Subalit sa mga matutuwid Siya’y gagawa ng kapayapaan. At poprotektahan ang mga napili, At sila’y kahahabagan. At sila’y mauukol sa Diyos, At sila’y guminhawa, At sila’y pinagpala. At tutulungan silang lahat, At ang liwanag ng Diyos ay magniningning sa kanila, At bibigyan sila ng kapayapaan.

1.9 At pagmasdan! Siya’y parating na may sampung libong mga Banal. Para isagawa ang paghuhukom sa lahat, Para wasakin ang lahat ng hindi banal: At para labanan ang lahat ng makamundo, Ang lahat ng ginawa nilang kasamaan, Ang lahat ng ginawa nilang kasamaan, At sa mga tampalsang lapastangang nagsalita laban sa Kanya.

No comments:

Post a Comment