Sunday, July 5, 2015

chapter 2

2.1 Pagmasdang mabuti ang lahat ng kaganapan sa langit; kung papaano silang hindi nagpapalit ng orbita. At ng kanilang mga tanglaw sa langit, kung paano sila lahat ay sumisikat at lumulubog ayon sa pagkakatakda, ang bawat isa sa kanyang tamang kapanahunan, at hindi lumalabag sa kanilang itinakdang pagkakasunodsunod.
2.2 Pagmasdan ang Mundo, at magbigay ng kalinga sa mga bagay na nakalagay sa kung saan ito mula sa simula hanggang sa huli. Kung papaano sila nanatili, kung papaano walang bagay sa mundo ang nabago. Ngunit ang lahat ng gawa ng Diyos ay mahahayag sayo.
2.3 Pagmasdan ang tag-init at tag-lamig, kung papaano ang buong mundo ay napupuno ng tubig, at ulap at hamog at ulan na kung saan nanahan ito.

No comments:

Post a Comment