Tuesday, July 7, 2015

chapter 5

5.1 Pagmasdang mabuti, kung paano ang punong-kahoy tinatakpan ang kanyang sarili ng berding mga dahon at magbubunga. At maunawaan, sa paggalang sa lahat ng bagay, at maramdaman kung paano siya nabubuhay magpakailanman— ginawa ang lahat ng mga bagay para saiyo.

5.2 At kung paano ang kanyang mga ginaawa ay nasa harap Niya sa bawat kasunod na taon, at ang lahat ng mga tungkulin ay tinapos nila para sa Kanya, at ang lahat ng kanyang mga ginawa para paglingkuran Siya at hindi nagbabago. Dahil sa ang Diyos ay nag-utos – ang lahat ay natapos.

5.3 At pagmasdan kung papaano ang mga dagat at mga ilog- magkasamang tinapos ang kanilang mga gawain.

5.4 Ngunit ikaw ay hindi nagsumikap, ni hindi sumiyasat, sa Batas ng Diyos, Ngunit ikaw ay sumalangsang at nagsalitang mapagmalaki at mabibigat na salita. Na gamit ang inyong maduduming bunganga laban sa Kanyang Kadakilaan. Oh kayong may matitigas na puso, kayo’y hindi magkakaroon ng kapayapaan.

5.5At dahil dito susumpain ang iyong mga araw. At ang mga taon ng iyong buhay ay mapapahamak, At ang walang hanggang sumpa ay patuloy na madaragdagan, At kayo’y hindi makakasumpong ng awa.

5.6 Sa araw na iyon, ang iyong pangalan ay isusumpa ng lahat na matutuwid. At sila’y susumpain kang makasalanan magpakailanman.

5.7 Para sa napili; Magkakaroon ng liwanag, kagalakan, at kapayapaan. Subalit para sayo, ang walang galang sa Diyos, Magkakaroon ng sumpa.

5.8 Kapag ang karunungan ay ipinagkaloob sa mga napili silang lahat ay mabubuhay. At hindi na muling gagawa ng mali, Alinman sa pamamagitan ng pagkalimot, o sa pamamagitan ng pagmamalaki. Ngunit ang mga nagtataglay ng karunungan ay magpapakumbaba.

5.9 Sila ay hindi na muling gagawa ng mali, At sila ay hindi na hahatulan sa mga araw ng kanilang buhay, At sila’y hindi na mamatay sa matinding poot o galit, Subalit kukumpletuhin nila ang mga araw ng kanilang buhay, At ang kanilang buhay ay tutubo sa kapayapaan, At ang mga taon ng kanilang kaligayahan ay madaragdagan, Sa kagalakan ng walang hanggang kapayapaan, Sa lahat ng mga araw ng kanilang buhay.

No comments:

Post a Comment