Wednesday, July 8, 2015

chapter 6

6.1 .At ng lumipas ang panahon kung saan ang anak ng tao ay dumami at sa mga araw ding iyon ay isinilang nila ang magaganda nilang anak na babae.
6.2 At ang mga Anghel na anak ng Langit, nakita sila at pinagnasahan sila.  At ang sabi nila sa isa’t isa: “hali kayo, tayo nang pumili ng mga aasawahin natin sa mga anak ng tao, at mag-anak tayo, sarili nating mga anak.”
6.3 At si Semyaza (Semjaza) ang kanilang pinuno, Ang sabi sa kanila: “Ako ay natatakot na kayo ay hindi sasangayon sa ganitong gawain, at Akong mag-isa ang magbabayad nitong matinding kasalanan.”
6.4  At silang lahat ay sumagot sa sakanya, at sinabi: “Tayong lahat ay manumpa sa panumpaan, at ito’y magbibigkis sa atin sa isang sumpa, na hindi natin babaguhin ang planong ito, subalit upang isagawa ang planong ito ng epektibo.”
6.5 Pagkatapos nito silang lahat ay sumumpa ng magkakasama at lahat ay nakatali sa isat isa na may kaakibat na sumpa.
6.6 At silang lahat ay dalawang daan, bumaba sa Ardis ( sa mga araw ni Jared) sa tuktok ng Bundok Hermon. At tinawag nila itong bundok Hermon dahil dito sila nanumpa at nakatali sa isa’t isa na may sumpa.
6.7 At narito ang pangalan ng kanilang mga pinuno:
Semyaza, siya ang kanilang pinuno, Urakiba, Ramiel, Kokabiel, Tamiel,
Ramiel, Daniel, Ezeqiel, Baraqiel, Asael, Armaros, Ananel, Zaqiel,
Samsiel, Satael, Turiel, Yomiel, Araziel.
6.8 Ito ang mga pinuno ng dalawang daang Anghel at sa iba pang kasama sa kanila.
6.9 At sila’y kumuha ng mga magiging asawa, para sa sarili nila at ang bawat isa ay pumili ng para sa sarili niya.

No comments:

Post a Comment